Makalipas ang 30 taon ng Edsa People Power, sinabi ni Senador Gregorio ‘Gringo’ Honasan na tila nagkakaroon naman ngayon ng sobrang demokrasya.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Honasan na tila nasosobrahan naman ang tinatamasa ngayon na ‘democratic space’ dahil hindi anya nasunod ang unang rekomendasyon nila na magbuo ng National Unification Council.
Aniya ang proposal nilang konseho ang dapat na magma-manage ng transition patungo sa full democracy kayat nasasayang ang oportunidad para mabago ng dahan-dahan ang mga sistema na umiiral noon.
” Tayo ang nagpastol ng freedom of information bill. Para magkaroon tayo ng full transparency. para hindi lahat ay idinadaan sa trial publicity. ang nangyayari patay na ang reputasyon mo, patay na ang kinabukasan ng mga anak mo. tapos wala naman tayong naririnig na nagso-sorry,” sabi pa ni Honasan.
Dagdag paliwanag pa ni Honasan na nakakapanghinayang lang na ang sinasabing kalayaan ay hindi natatapatan ng kaakmang responsibilidad.
Kaugnay naman sa sinasabing umiiral ngayon na ‘democratic dictatorship,’ sinabi ni Honasan na ito ay bunga ng sobrang partisan politics.
Giit nito kontaminado na ng politika ang halos lahat ng institusyon gaya ng hudikatura, militar maging ang simbahan.
Gayunman, iginiit ni Honasan na hindi ito dahilan para isuko na ang mga pangarap na nabuo noong 1986 Edsa People Power.
“We should not give up. Our children are not only worth living for and fighting for but also worth dying for,” pahayag ni Honasan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.