Davao Occidental, niyanig ng magnitude 3.2 na lindol

Tumama ang magnitude 3.2 na lindol sa Jose Abad Santos, Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 121 kilometers Southeast ng Jose Abad Santos bandang 4:05 ng hapon.

13 kilometro ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Wala namang napaulat na pinsala sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...