Dating Comelec Chairman Benjamin Abalos at kaniyang asawa, positibo sa COVID-19

Inquirer File Photo

Nagpositibo sa COVID-19 si dating Commission on Elections chairman Benjamin Abalos at kaniyang asawa.

Inanunsyo ito ni Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos.

Ayon kay Mayor Abalos, lumabas ang resulta ng kaniyang parents-in-law Biyernes (July 17) ng umaga.

Sinabi ni Mayor Abalos na si Corazon Abalos ay nadala na sa ospital kahapon, habang ang dating chairman ng poll body ay dinala sa ospital Biyernes ng umaga nang lumabas ang positibong resulta ng test.

Kapwa aniya may sintomas ang mag-asawa.

Dahil na-expose siya sa kaniyang biyenan, sinabi ni Mayor Abalos na sasailalim siya sa home quarantine.

 

 

Read more...