98 magulang ng mga batang lumabag sa quarantine protocols arestado sa Maynila
Inaresto ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang 98 magulang ng mga batang lumabag sa quarantine protocols.
Ayon sa Manila Public Information Office (PIO), dinakip ang mga magulang dahil sa pagpapabaya sa kanilang mga anak na paglabag sa Anti-Child Endangerment Act.
Simula noong July 9 hanggang ngayong araw July 17 ay umabot na sa 2,079 na mga residente sa lungsod ang naaaresto sa paglabag sa ordinansa sa mandatory na pagsusot ng face masks.
Sa ilalim ng ordinansa, ang mga lumabag ay pagmumultahin ng P1,000 para sa first offense, P2,000 sa second offense, at P5,000 o isang buwang pagkakabilanggo para sa third at succeeding offenses.
Umabot naman sa 15,331 na mamamayan ang naaresto ng MPD dahil sa paglabag sa curfew.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.