COVID-19 cases sa Mandaluyong City, umabot na sa 1,234

Napaulat ang 25 pang nagpositibong residente ng Mandaluyong City sa COVID-19.

Sa datos ng Mandaluyong City Health Department hanggang 4:00, Biyernes ng hapon (July 17), 1,234 na ang confirmed COVID-19 cases sa lungsod.

Sa 1,234 ay 372 ang aktibong kaso.

172 ang itinuturing na probable cases habang 812 ang suspected cases kung saan 4,827 ang cleared na.

Nasa 786 naman ang total recoveries ng COVID-19 sa lungsod.

76 namang residente ang pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.

 

 

 

Read more...