Bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Marikina umabot na sa 547

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa lungsod ng Marikina.

Base huling datos mula sa Marikina PIO facebook page (3:00 PM Biyernes, July 17) pumalo na sa 547 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa virus kung saan 9 ang nadagdag.

Sa nasabing bilang, 212 ang active cases.

Ang bilang naman ng COVID-19 related deaths sa lungsod ay nanatili sa 32.

Ang bilang ng naka-recover o gumaling na sa sakit ay nasa 303 na.

 

 

Read more...