Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 4,352

By Mary Rose Cabrales July 17, 2020 - 07:21 PM

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Biyernes (July 17, 3:00 PM) nakapagtala ng 144 na bagong kaso kaya pumalo na sa 4,352 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 921
Laguna – 1,435
Batangas – 584
Rizal – 1,185
Quezon – 227

Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 2,332.

Nasa 1,769 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 50 na bagong recovery.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 333
Laguna – 558
Batangas – 252
Rizal – 459
Quezon – 167

Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 5 kaya umabot na ito sa 251.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 53
Laguna – 55
Batangas – 35
Rizal – 95
Quezon – 13

Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:

1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, COVID-19 cases in CALABARZON, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, COVID-19 cases in CALABARZON, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.