Panawagan na maglabas ng katibayan tungkol sa health condition ng pangulo sinopla ng Malakanyang
Sinopla ng Malakanyang ang panawagan ng isang abogado na patunayang maayos ang kondisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, ibinasura na ng Korte Suprema ang petisyon ni Atty. Dino de Leon na humihiling na obligahin ang pangulo na isapubliko ang kaniyang health records.
Tugon ito ng palasyo sa mga panawagan na patunayan dapat ng pangulo na siya ay 88 percent na healthy.
Ani Roque, nasalita na ang SC at dapat tanggapin ito ni De Leon.
“The decision speaks for itself. He should accept his legal defeat graciously and heed the High Court’s ruling,” ani Roque.
Una nang sinabi ni Roque na nasa “88 percent” na healthy ang pangulo.
Lumiham si De Leon kay Roque at hiningan ito ng basehan sa kaniyang pahayag.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.