Magnitude ng tumamang lindol sa Minglanilla, Cebu itinaas sa 4.2 ng Phivolcs

Itinaas ng Phivolcs sa magnitude 4.2 ang tumamang lindol sa Minglanilla, Cebu Biyernes (July 17) ng umaga.

Sa earthquake information number 2 ng Phivolcs, ang pagyanig ay naitala sa layong 4 kilometers northeast ng Minglanilla 7:17 ng umaga.

7 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Naitala ang sumusunod na intensities:

Intensity IV – City of Cebu, City of Mandaue, City of Talisay, Minglanilla, Cebu
Intensity III – City of Naga
Intensity I – San Fernando, Cebu

Instrumental Intensity:
Intensity III – City of Lapu-lapu

Ayon sa Phivolcs hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala ang pagyanig.

 

 

Read more...