Kaso ng COVID-19 sa Quezon City mahigit 4,900 na
By Dona Dominguez-Cargullo July 17, 2020 - 05:43 PM
Umakyat na sa 4,952 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Quezon City.
Sa nasabing bilang, 4,873 ang may kumpletong address sa Quezon City.
Umabot naman sa 4,848 ang kumpirmado na ng QC Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU).
Mayroong 1,909 na nakarecover na sa sakit sa QC habang 263 ang pumanaw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.