Ayon sa Department of Health-Western Visayas Center for Health Development hanggang July 17, umakyat na sa 716 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
359 sa nasabing bilang ang aktibong kaso ng nakakahawang sakit.
Nakasailalim ang mga bagong COVID-19 patient sa quarantine facility.
Nakapagtala naman ng 63 na bagong gumaling sa Western Visayas.
Dahil dito, umakyat na sa 345 ang total recoveries sa Western Visayas.
Nananatili naman sa 12 ang bilang ng nasawi sa rehiyon dahil sa nakakahawang sakit.
MOST READ
LATEST STORIES