Kaso ng COVID-19 sa bansa mahigit 63,000 na
Umabot na sa mahigit 63,000 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito ay makaraang makapagtala ng 1,841 na dagdag na kaso ng sakit. 710 dito ay fresh cases habang 1,131 ang late cases.
Ayon sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang Biyernes (July 17) ng hapon umabot na sa 63,001 ang total COVID-19 cases sa bansa.
Sa mahigit 1,800 na bagong kaso, 441 ay mula sa Maynila, 140 mula sa Quezon City, 96 mula sa Mandaluyong, 87 mula sa Cebu City ay 86 mula sa Navotas.
Sa total number of cases, 39,593 ang aktibong kaso.
Nakapagtala naman ng 311 na bagong recoveries kaya umabot na sa 21,748 ang bilang ng mga naka-recover sa bansa.
Nadagdagan naman ng pito ang bilang ng nasawi. Sa ngayon, 1,660 ang death ng bansa sa COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.