Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang July 17, umakyat na sa 8,980 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 65 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 3,025 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
5,321 naman ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Samantala, 634 na ang pumanaw na Filipino abroad dahil sa COVID-19.
Sumunod dito ang Europa na may 1,070 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 729 naman ang kaso sa Asia Pacific Region at 698 sa Americas.
Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tutukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.