Pasok sa tanggapan ng CHED sa NCR, MIMAROPA at CALABARZON suspendido
By Dona Dominguez-Cargullo July 17, 2020 - 04:13 PM
Sinuspinde ngayong araw ang pasokk sa central office ng CHED.
Suspendido din ang pasok sa trabaho sa Regional Offices nito sa NCR, MIMAROPA, at Region IV-A.
Ayon sa CHED, apat na tauhan nila ang nagpositibo sa COVID-19.
Sasailalim muna sa masusing disinfection ang mga saradong tanggapan ng CHED.
Sa Lunes, July 20 ay magkakaroon lamang ng skeletal work force sa CHED offices.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.