Pagpapauwi sa mga distressed OFW mula China at Uzbekistan hamon sa DFA

By Erwin Aguilon July 17, 2020 - 03:34 PM

Malaking hamon para sa Department of Foreign Affairs ang pagpapauwi sa mga OFWs na mula sa China at Uzbekistan.

Sa pagdinig ng House Committee on Overseas Workers Affairs, sinabi ni Foreign Affairs Usec. Sarah Arriola, kinakailangan pa kasi nilang ipunin sa Guangzhou ang mga Pilipino mula sa iba’t ibang bahagi ng China bago mapauwi sa bansa.

Habang wala namang embahada ng Pilipinas sa Uzbekistan kaya nakikisuyo sa embahada ng bansa sa Tehran, Iran para maisabay sa paguwi ang mga OFWs.

Malaking problema naman dito ang lockdown dahil hindi pinapatawid sa Iran ang mga mula sa Uzbekistan.

Tumaas na sa 3,000 repatriated OFWs ang dumadating sa bansa kada araw.

Sinabi ni Ariola na ito ay mula sa dating 2,000 OFW lamang.

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, DFA, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, OFWs, Radyo Inquirer, repatriation, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, DFA, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, OFWs, Radyo Inquirer, repatriation, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.