Mga nagpositibo sa COVID-19 sa Taguig City 1,677 na
Nadagdagan pa ng 14 ang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Taguig City.
Sa inilabas na update hanggang ngayong araw ng Biyernes (July 17), kabuuang 1,677 na ang confirmed COVID-19 cases sa lungsod.
Naitala ang mga bagong kaso sa mga barangay Napindan (1), Sta. Ana (1), Ususan (3), Central Signal (4), Pinagsama (1), South Signal (2), Upper Bicutan (1), Western Bicutan (1).
Ang Barangay Fort Bonifacio ang mayroong pinakamaraming kaso na umabot na sa 481.
Narito ang datos sa iba pang barangay sa Taguig:
– Bagumbayan – 65
– Bambang – 22
– Calzada – 40
– Hagonoy – 22
– Ibayo-Tipas – 30
– Ligid-Tipas – 24
– Lower Bicutan – 201
– New Lower Bicutan – 54
– Napindan – 10
– Palingon – 9
– San Miguel – 19
– Sta. Ana – 33
– Tuktukan – 24
– Ususan – 72
– Wawa – 20
– Central Bicutan – 36
– Central Signal – 33
– Katuparan – 10
– Maharlika Village – 19
– North Daang Hari – 72
– North Signal – 22
– Pinagsama – 91
– South Daang Hari – 52
– South Signal – 49
– Tanyag – 16
– Upper Bicutan – 48
– Western Bicutan – 103
Nasa 610 na mga pasyente na ang gumaling na sa lungsod habang 23 na ang pumanaw.
Ang Taguig ay mayroon ngayong 1,044 na aktibong kaso
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.