Metro Manila, ilang kalapit na lalawigan uulanin sa susunod na mga oras

By Dona Dominguez-Cargullo July 17, 2020 - 02:08 PM

Makararanas ng pag-ulan sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan sa susunod na mga oras.

Sa inilabas na thunderstorm advisory ng PAGASA ala 1:21 ng hapon, July 17 katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa Tarlac, Nueva Ecija, Bulacan, Pampanga, at Rizal.

Ganitong lagay na rin ng panahon ang nararanasan sa mga bayan ng Dasmarinas, Silang, Tagaytay, at Maragondon sa Cavite; Gumaca, Pitogo, at Unisan sa Quezon; Santa Cruz, Candelaria, at Masinloc sa Zambales.

Pinapayuhan ang mga residente sa mabababang lugar na maging alerto sa posibleng pagbaha.

Ang mararanasang malakas na buhos ng ulan ay maari ding magdulot ng landslides sa bulubunduking lugar.

 

 

TAGS: Bulacan, Inquirer News, Metro Manila, News in the Philippines, nueva ecija, Pampanga, Radyo Inquirer, Rizal, Tagalog breaking news, tagalog news website, Tarlac, thunderstorm advisory, Bulacan, Inquirer News, Metro Manila, News in the Philippines, nueva ecija, Pampanga, Radyo Inquirer, Rizal, Tagalog breaking news, tagalog news website, Tarlac, thunderstorm advisory

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.