Bilang ng enrollees sa pagtatapos ng enrollment sa public schools umabot sa 21 milyon

By Dona Dominguez-Cargullo July 17, 2020 - 01:48 PM

Umabot sa mahigit 21 milyon ang bilang ng mga nagpa-enroll sa pagtatapos ng enrollment period sa mga pampublikong paaralan.

Base sa datos ng Department of Aducation (DepEd) hanggang alas 8:00 ng umaga ngayong Biyernes, July 17 ay umabot na sa 21,344,915 ang bilang ng mga nagpatala para sa School Year 2020-2021.

Ayon sa DepEd 76% lang ito ng kabuuang enrollment ng nakaraang taon.

Sa nasabing bilang, 20,147,020 ang nagpa-enroll sa pampublikong paaralan habang ang nalalabing bilang ay sa private schools.

Inaasahan ng DepEd na tataas pa ang bilang ng mga nagpa-enroll sa susunod na linggo dahil posibleng naantala pa ang pagre-report ng datos lalo na sa mga pribadong paaralan.

May mga private schools kasi na nagpapatuloy pa ang enrollment habang ang iba ay kasisimula lamang.

Positibo ang DepEd na maaabot ang target na 80% nang nakaraang bilang enrollees na 27.7 million.

Ayon sa DepEd, tatanggap pa rin ang mga paaralan ng late enrollees.

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, deped, enrollees, enrollment, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, public schools, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, deped, enrollees, enrollment, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, public schools, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.