Kabilang sa mahigpit na ipinatutupad ang social distancing policy sa pagitan ng mga pasahero, kung saan kailangang magkaroon ng isang-metrong distansya ang mga pasahero sa bawat isa upang maiwasan ang pagkahawa sa virus.
Mahigpit ding ipinatutupad ang pagbabawal sa pagsasalita at pagsagot ng mga tawag mula sa cellphones o anumang digital devices ng mga pasahero.
Ito ay para maiwasan ang pagkalat ng virus sa pamamagitan ng respiratory droplets na nanggagaling sa pagsasalita, pag-ubo at pagbahing.
Mayroong tatlong train marshalls kada train set o isang marshal kada bagon.
Ang mga train marshall ay nakasuot ng full personal protective equipment (PPE), mayroong face shield, face mask, gown at gloves, upang maprotektahan sila at ang mga pasahero sa pagkalat at pagkahawa sa virus.