MRT-3 nagtalaga ng train marshalls na magbabantay sa mga pasaherong lalabag sa health and safety protocols

By Dona Dominguez-Cargullo July 17, 2020 - 01:39 PM

Nagtalaga ang MRT-3 ng mga train marshalls at station marshalls sa loob ng mga tren at istasyon upang mapanatili ang kaayusan at masiguradong nasusunod ang mga health and safety protocols.

Kabilang sa mahigpit na ipinatutupad ang social distancing policy sa pagitan ng mga pasahero, kung saan kailangang magkaroon ng isang-metrong distansya ang mga pasahero sa bawat isa upang maiwasan ang pagkahawa sa virus.

Mahigpit ding ipinatutupad ang pagbabawal sa pagsasalita at pagsagot ng mga tawag mula sa cellphones o anumang digital devices ng mga pasahero.

Ito ay para maiwasan ang pagkalat ng virus sa pamamagitan ng respiratory droplets na nanggagaling sa pagsasalita, pag-ubo at pagbahing.

Mayroong tatlong train marshalls kada train set o isang marshal kada bagon.

Ang mga train marshall ay nakasuot ng full personal protective equipment (PPE), mayroong face shield, face mask, gown at gloves, upang maprotektahan sila at ang mga pasahero sa pagkalat at pagkahawa sa virus.

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, MRT 3, News in the Philippines, PPE, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, train marshalls, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, MRT 3, News in the Philippines, PPE, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, train marshalls

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.