Ikalawang drive-thru testing center sa Maynila itinatayo na

Inumpisahan na ng mga tauhan ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ang pagtatayo ng ikalawang drive-thru testing sa lungsod.

Itatayo ang drive-thru COVID-19 testing center sa Quirino Grandstand.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, magdamag nang nagtrabaho ang mga tauhan ng MDRRMO para mabilis na matapos ang ikalawang COVID-19 drive-thru Testing Center.

Sa sandaling mabuksan, libre din ang pagpapa-test residente man o hindi ng Maynila.

“Sa oras po na mabuksan ito sa publiko, inaanyayahan ko po kayo. Hangga’t kaya po, libre toits, walang tosgas. Batang Maynila man o hindi, walang pinipili,” ayon kay Moreno.

Ani Moreno, valid ID lang ang kailangang dalhin para sa nais magpa-test.

Noong Miyerkules naging operational ang unang drve-thru testing laboratory sa Maynila sa Kartilya ng Katipunan malapit sa City Hall.

 

 

Read more...