Pagpapanatili ng bansa sa credit rating na ‘Baa2′ mula sa Moody’s Corporation magandang indikasyon ayon kay Rep. Salceda

By Erwin Aguilon July 17, 2020 - 11:50 AM

Naniniwala si House Ways and Means Committee Chairman Joey Sarte Salceda na ang pagpapanatili ng credit rating agency na Moody’s Corporation sa bansa sa rating nito na “Baa2” ay senyales ng makababawi ang ekonomiya ng Pilipinas sa epekto ng covid-19 pandemic.

Ayon kay Salceda na isa ring ekonomista kailangan patuloy na maghanap ng paraan ng bansa para sa pagbuo ng isang sistema na akma para sa economic enovation.

Hindi kasi anya sapat ang mga economic fundamentals ng Pilipinas para sa pangmatagalan.

Ani Salceda, “fundamentals are not enough in a country’s long-term prospects. We have to keep thinking hard about how to improve our systems and how to build an ecosystem that is conducive for economic innovation”.

Paliwanag nito ang mga pundasyong pang ekonomiya na kanilang inilatag ay nangangahulugan lamang ng potensyal ng bansa at upang ito ay maisakatuparan kailangan ng pagbuo ng digital economy, palakasin ang human capital, manatali na stable ang finances ng bansa at higit sa lahat ay maakit ang mga investor ng ekonomiya ng Pilipinas.

Sa inilabas na report ng Moody’s sinabi nito na ang mga reporma na ipinatutupad at nais pang gawin ng bansa sa ekonomiya ang dahilan ng pananatili sa credit rating na Baa2 at credit outlook na stable.

Kabilang na rito ang panukalang Foreign Investments Act, pag-amyenda sa Public Service Act, Retail Trade Liberalization Act at ang Comprehensive Tax Reform Program ng gobyerno.

Excerpt:

TAGS: Baa2, Inquirer News, joey salceda, moody's, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Baa2, Inquirer News, joey salceda, moody's, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.