M7.3 na lindol tumama sa Papua New Guinea; walang banta ng tsunami sa Pilipinas ayon sa Phivolcs

Niyanig ng magnitude 7.3 na lindol ang Eastern New Guinea Region sa Papua New Guinea.

Ayon sa Phivolcs naitala ang lindol alas 10:50 ng umaga ng Biyernes (July 17) oras sa Pilipinas.

Kalaunan naman ay ibinaba ng US Geological Survey sa 6.9 ang magnitude ng pagyanig.

Ayon sa Phivolcs wala namang banta ng tsunami sa Pilipinas bunsod ng malakas na lindol.

 

 

Read more...