Coast Guard may paalala sa mga residente matapos may mamataang “killer whales” sa karagatan ng Bohol

May mga namataang “Orcas” o “Killer Whales” sa karagatan na sakop ng East Bohol Sea.

Nagsagawa ng seaborne patrol ang Philippine Coast Guard (PCG) sa vicinity waters ng Candijay at Anda, Bohol.

Ito ay para abisuhan ang mga mangingisda at divers kaugnay sa presensya ng “killer whales” sa East Bohol Sea.

Paalala ng Coast Guard sa mga residente sa lugar, kung may mamamataan na “killer whales” ay huwag itong sasaktan.

Kailangan ding maging maingat dahil ang “Orcas” ay pwedeng maging sobrang agresibo lalo na kung mayroon silang kasamang baby orcas.

 

 

Read more...