ABS-CBN dapat ibenta na lang para hindi mawalan ng trabaho ang mga manggagawa

Ipinanukala ni House Deputy Speaker Luis Raymund Villafuerte Jr. sa pamilya Lopez na ibenta na lang ang ABS-CBN kung talagang concern ito sa 11,000 empleyado ng kumpanya na posibleng mawalan ng trabaho.

Sinabi ito ni Villafuerte mismong sa panayam sa kaniyang ABS-CBN News Channel o ANC.

Ayon kay Villafuerte kung magkakaroon ng bagong management at ownership ang network ay susuportahan niya ang franchise renewal nito.

Tiyak aniyang maraming malalaking korporasyon na handang patakbuhin ang ABS-CBN.

Marami naman na aniyang kinita sa ABS-CBN ang mga Lopez at marami din itong iba pang kumpanya.

 

 

Read more...