Pamaypay na may tatak na “Mar”, ipinamahagi sa selebrasyon ng ika-30 taon ng EDSA People Power

Sa EDSA 30-People Power Celebration, nakunan ng Radyo Inquirer ang mga mag-aaral na ito na may hawak na pamaypay ni Mar Roxas.

Ipinamigay ang mga pamaypay na ito sa People Power Monument.

Ayon sa mga estudyante ng RTU o Rizal Technological University na dumalo para sa ika-30 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution na naka pang PE uniform, required silang dumalo  dahil mag che-check ng attendance. Icrecredit umano sa kanilang National Service Training Program o NSTP na tatlong oras.

Isang beses sa isang linggo ginaganap sa mga kolehiyo kapalit ng CAT dati.

Samantala maliban sa mga estudyante, naglipana naman ang mga pamaypay na  bitbit ng mga contingent na umanoy padala ng mga LGU’s. Pawang mga mukha ito ni Presidentiable Mar Roxas.

Ang pamaypay  na may mukha ni Roxas ay ipinamigay mula sa isang owner type jeep kanina bago magsimula ang tradisyunal na martsa at salubungan.

Nauna rito ay nangako ang mga Edsa People Power Commission na hindi gagamitin sa kampanya at pamumulitika ang selebrasyon.

Read more...