Alert status ng Mt. Mayon ibinaba na sa level 1 ng Phivolcs

By Dona Dominguez-Cargullo July 17, 2020 - 10:08 AM

Mula sa alert level 2 (moderate level of unrest) ay ibinaba na sa level 1 (low level of unrest) ng Phivolcs ang alert status ng Mt. Mayon.

Ayon sa inilabas na abiso ng Phivolcs, mula noong March 29, 2018 na pag-iral ng alert level 2 sa bulkang Mayon ay patuloy na bumababa ang naitatalang aktibidad nito.

Sa nakalipas na anim na buwan ay umaabot lang sa average na 1 volcanic earthquake ang naitatala.

Simula January 2020 naman ay umaabot lang sa 300 hanggang 700 tonnes per day ang average sulfur dioxide emission ng Mayon.

Mahina hanggang katamtaman lang din ang naitatalang steaming activity sa crater ng bulkan.

Sa kabila nito sinabi ng Phivolcs na patuloy pa ring babantayan ang aktibidad ng bulkan.

Kung makikitaan ng pagtaas sa aktibidad nito ay muling itataas ang alert level 2.

 

 

TAGS: alert level 1, Inquirer News, Mt Mayon, News in the Philippines, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, alert level 1, Inquirer News, Mt Mayon, News in the Philippines, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.