Halaga ng naipamahaging family food packs ng DSWD dahil sa COVID-19 pandemic umabot na sa mahigit P15B
Umabot na sa P15.37 billion ang halaga ng tulong na naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga pamilyang labis na apektado ng community quarantine dahil sa COVID-19.
Sa update mula sa DSWD, hanggang alas 6:00 ng umaga ngayong araw, July 17, umabot naman sa 1,404,252 ang mga naipamahaging family food packs.
Ito ay sa iba’t ibang field office ng DSWD sa buong bansa.
Pinakamaraming family food packs na naipamahagi ay sa Metro Manila na umabot ng mahigit 261,158.
Mayroon pang P756.91 million na standby funds ang DSWD at mayroon pa itong P891.89 million na halaga ng stockpiles.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.