Pitumpu’t dalawang manlalaro ng NFL ang nagpositibo sa COVID-19.
Kinumpirma ito sa isang pahayag ng National Football League Players Association sa pahayag sa kanilang website.
Ang 72 na nagpositibo sa COVID-19 tests ay 2.5 percent ng kabuuang rostered players ng liga.
Ayon sa NFLPA pawang naka-quarantine ang mga manlalaro na positibo sa COVID-19.
Nakikipag-ugnayan na din ang NFLPA sa pamunuan ng NFL para sa ipatutupad na protocols at mga bagong measures dahil sa pandemic.
Sa ngayon wala pang napagkakasunduan ang NFL at NFLPA sa mga terms and conditions para sa pre-season training at exhibition games.
Nais kasi ng mga manlalaro ng mas mahaba pang panahon bago magbalik sa games.
Para sa NFLPA, dapat wala munang maganap na pre-season games sa Agosto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.