39 volcanic earthquakes naitala sa Mt. Bulusan sa nakalipas na magdamag
Sa nakalipas na magdamag nakapagtala ng 39 volcanic earthquake sa Mt. Bulusan sa Sorsogon.
Sa 8AM Bulusan Volcano Bulletin na inilabas ng Phivolcs ngayong Biyernes, July 17, pawang low frequency lamang ang mga pagyanig na bunsod ng magmatic gas activity ng bulkan.
Nakapagtala din ng mahinang pagbubuga ng steam-laden plumes mula sa bulkan.
Sa ilalim ng Alert Level 1, ipinagbabawal ang pagpasok sa four-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ) ng Mt. Bulusan.
Inabisuhan din ang Civil aviation authorities na payuhan ang mga piloto na iwasan ang pagpapalipad ng eroplano malapit sa summit ng bulkan dahil maari itong magkaroon ng phreatic eruption anumang oras.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.