Ayon kay Mayor Isko Moreno, ang mataas na bilang ng mga nagpositibo ay paalala sa publiko na dapat seryosohin ang sakit.
Ang drive-thru testing facility ay nasa Kartilya ng Katipunan monument malapit sa Manila City Hall kung saan libreng nakapagpapasailalim sa test ang mga residents at non-residents ng Maynila.
Dahil sa madami ang nagpasailalim sa test sa unang araw ng pagbubukas ng drive-thru testing, target ng pamahalaang lungsod na magbukas ng isa pang pasilidad.
Isa sa tinitignang lugar para sa panibagong drive-thru testing ang Quirino Grandstand.
Ang drive-thru testing sa Maynila ay gumagamit ng COVID-19 serology testing machine.
Mas accurate ang resulta nito kaysa sa rapid test kits dahil mayroon itong accuracy rate na 99.6 percent para sa specificity at 100 percent para sa sensitivity.