Mapanas, Northern Samar muling niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang lalawigan ng Northern Samar.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 64 kilometers northeast ng bayan ng Mapanas, alas-6:26 umaga ng Biyernes (July 17).

May lalim na 2 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Nauna ng niyanig ng magnitude 3.8 ang Mapanas, Northern Samar kaninang alas-2:29 ng madaling araw.

 

 

Read more...