Kaso ng COVID-19 sa Central Visayas mahigit 12,900 na

By Dona Dominguez-Cargullo July 17, 2020 - 07:15 AM

Sumampa na sa mahigit 12,900 ang kaso ng COVID-19 sa Central Visayas.

Ito ay makaraang makapagtala pa ng dagdag na 262 na bagong kaso ng sakit kahapon.

Ayon sa DOH-Central Visayas Center for Health Development, 12,931 na ang total confirmed cases ng COVID-19 sa rehiyon.

Sa nasabing bilang, 6,557 na lang ang aktibong kaso.

May naitala naman 17 na dagdag na nasawi, sa ngayon mayroong 645 na nasawi sa COVID-19 sa Central Visayas.

Nakapagtala naman ng dagdag na bilang ng recoveries na umabot sa 129 dahilan para umabot na sa 5,729 ang bilang ng mga gumaling sa sakit.

Malaking bilang ng kaso ng COVID-19 sa Central Visayas ay sa Cebu City na nakapagtala na ng 7,782 cases.

Narito naman ang kaso ng COVID-19 sa iba pang mga lalawigan at lungsod sa rehiyon:

Cebu Province – 2,213
Mandaue City – 2,293
Lapu-Lapu City – 1,360
Negros Oriental – 68
Bohol – 55
Siquijor – 0

 

 

TAGS: cebu, Cebu City, Central Visayas, covid cases, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, cebu, Cebu City, Central Visayas, covid cases, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.