Water level ng Angat dam muling nabawasan sa magdamag

Nabawasan pa ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hyrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 184.89 meters alas-6:00 umaga ng Biyernes (July 17) mas mababa ito sa antas nito kahapon na 185.13 meters.

Nabawasan din ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 99.18 meters ngayong umaga mas mababa sa antas nito kahapon na 99.35 habang bahagyang nadagdagan ang antas ng tubig ng La Mesa dam sa 77.73 meters mas mataas sa antas nito kahapon na 77.66 meters.

Samantala, nabawasan naman ang water level ng Ambuklao, San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya dams habang nadagdagan naman ang antas ng tubig ng Binga dam.

 

 

Read more...