Kaso ng COVID-19 sa India sumampa na sa 1 milyon

By Dona Dominguez-Cargullo July 17, 2020 - 06:54 AM

Umabot na sa isang milyon ang kabuuang kaso ng COVID-19 na naitala sa bansang India.

Ang India ay pangatlo sa mga bansa sa mundo na may pinakamaraming kaso ng COVID-19 kasunod ng US at Brazil.

Sa magdamag, ang India ay nakapagtala ng mahigit 35,000 na bagong kaso dahilan para sumampa na ngayon sa 1,005,637 ang total confirmed cases sa nasabing bansa.

Ang bilang ng mga nasawi sa India ay umabot naman na sa mahigit 25,600.

Ang India ay mayroong mahigit 636,000 na bilang ng mga naka-recover sa sakit at mayroon pang mahigit 343,000 na aktibong kaso.

 

 

TAGS: 1 million covid cases, covid pandemic, COVID-19, Health, India COVID 19 File, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, 1 million covid cases, covid pandemic, COVID-19, Health, India COVID 19 File, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.