Labi ng 66 pang pumanaw na OFWs sa Saudi Arabia darating sa bansa sa Linggo

Sa araw ng Linggo, July 19 ay darating sa bansa ang mga labi ng 66 pang pumanaw na Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Saudi Arabia.

Ayon ito kay Assistant Labor Secretary Dominique Tutay.

Sinabi ni Tutay na ito na ang ikalawang batch ng pagpapauwi sa mga labi ng mga pumanaw na OFWs sa Saudi.

Nasa 274 na OFWs na pumanaw sa Saudi Arabia dahil sa COVID-19 at iba pang karamdaman ang kailangang iuwi sa bansa.

Sa unang batch noong July 10 ay mayroon nang 49 na naiuwi sa Pilipinas.

 

 

Read more...