Mahigit 700 pang Pinoy dumating sa bansa kahapon
Mayroong mahigit 700 Overseas Filipino ang dumating sa Ninoy Aquino International Airport kahapon July 16.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), sa nasabing bilang 354 ay pawang OFWs na mula sa Saudi Arabia.
Lulan sila ng special repatriation flight nang dumating sa NAIA.
Kahapon din ay mayroong 69 pang Pinoy seafarers galing Singapore ang dumating sa NAIA.
Habang mayroong 300 Pinoy na mula sa Qatar ang nakauwi din sa bansa.
Lahat ng bagong uwing OFWs ay sumailalim sa swab test at sasailalim sa quarantine habang hinihintay ang resulta ng test.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.