Mga Pinoy na magtutungo sa South Korea kailangan na ng negatibong COVID-19 PCR Test
Simula sa July 20, 2020 lahat ng South Korea-bound passengers mula sa Pilipinas ay kailangang mayroong sertipikasyon na sila ay negatibo sa COVID-19 test.
Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), base ito sa bagong patakaran na paiiralin ng pamahalaan ng South Korea.
Ang mga Pinoy at iba pang lahi na galing sa Pilipinas ay dapat may katibayang negatibo sila sa RT-PCR test bago makabiyahe patungong South Korea.
Exempted naman sa nasabing requirement ang South Korean passport holders.
Ang COVID-19 PCR negative test certificate ay dapat inisyu 48-hours bago ang departure mula sa accredited hospital na designated ng South Korean Embassy.
Kabilang sa mga designated laboratory ng embahada ang St. Luke’s Medical Center sa BGC, Taguig at Quezon City; Makati Medical Center; Manila Doctor’s Hospital, The Medical City, Lung Center of the Philippines, Baguio Medical Center, PRI Medical Center sa Pampanga at The Medical City Clark.
Ang mga pasahero na walang maipapakitang certificate ay hindi papayagang makasakay ng flight.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.