Mahigit 200,000 face masks naipamahagi sa Maynila

Umabot na sa 200,107 na face masks ang naipamahagi na sa lungsod ng Maynila.

Ayon kay Public Employment Service Office (PESO)-Manila Chief Fernan Bermejo kahapon, July 16 ay nakapagpamahagi pa ng 15,307 na pirasong face masks.

Target ng PESO na makagawa ng isang milyong face masks upang maipamahagi sa mga barangay sa lungsod.

Ang mga barangay naman ay siyang responsable sa pamamahagi nito sa kanilang nasasakupan.

Ang livelihood project na Face Masks Sewing Program ay layon ding mabigyan ng trabaho ang mga mananahi na residente ng Maynila.

Ang mga face masks na nagawa nila ay ipamamahagi ng libre sa bawat tahanan ng mga residente.

 

 

Read more...