Mahigit 300 katao arestado sa unang araw ng pag-iral ng lockdown sa Navotas
Umabot sa 349 na katao ang naaresto dahil sa paglabag sa unang araw ng pag-iral ng lockdown sa Navotas City.
Ang nasabing mga indibidwal ay nahuli ng mga pulis, tauhan ng barangay at Task Force Disiplina dahil sa paglabag sa mga ordinansa sa pagsusuot ng face mask, pagsunod sa 1 hanggang 2 metrong physical distancing 24-oras na curfew ng mga batang wala pang 18 taong gulang, at iba pang patakaran ng community quarantine.
Umapela si Navotas City Mayor Toby Tiangco sa mga residente na makiisa sa 13 araw pang pag-iral ng lockdown.
Iwasan aniyang sumuway sa mga patakaran at safety measures upang maiwasan ang hawaan ng virus at matigil na ang pagkalat ng sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.