Mas malaking bahagi ng bansa apektado na ng ITCZ

By Dona Dominguez-Cargullo July 17, 2020 - 05:25 AM

Magdudulot ng kalat-kalat na pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa ang intertropical convergence zone.

Sa weather forecast ng PAGASA ngayong araw, ang MIMAROPA, Visayas at Caraga ay makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms dahil sa ITCZ.

Ang Metro Manila naman at nalalabi pang bahagi ng bansa ay makararanas lang ng bahagyang maulap na papawirin na mayroong isolated na pag-ulan sa hapon o gabi.

Wala namang nakataas na gale warning saanmang baybaying dagat ng bansa.

Wala ring inaasahang sama ng panahon na mabubuo o papasok sa Philippine Area of Responsibility.

 

 

 

TAGS: Inquirer News, ITCZ pagasa, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather, Inquirer News, ITCZ pagasa, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.