Mapanas, Northern Samar niyanig ng magnitude 3.8 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.8 na lindol ang lalawigan ng Northern Samar.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 38 kilometers northeast ng bayan ng Mapanas, alas-2:29 madaling araw ng Biyernes (July 17).

May lalim na 16 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

 

 

Read more...