DOH nawawalan ng kredibilidad dahil kay Sec. Duque – Rep. Barbers

By Erwin Aguilon July 16, 2020 - 07:38 PM

Nawawalan na ng kredibilidad ang Department of Health (DOH) sa ilalim ng panunungkulan ni Health Secretary Francisco Duque III.

Ayon kay Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, ito ay dahil sa mga pahayag ni Duque na walang mga batayan.

May mga pahayag din aniya ang kalihim na kontra sa facts at kadalasang pinapasinungalingan o itinatanggi ng kanyang mga kapwa kalihim at opisyal sa pamahalaan.

Pinakahuli na pahayag ni Duque na ayon kay Barbers ay big joke ang pag-flatten ng curve ng COVID-19 sa bansa.

Sabi ni Barbers, ang mga ganitong pahayag ni Duque ang dahilan kaya nalalagay sa panganib ang bansa sa gitna ng pandemya.

Sinabi pa ng kongresista na para maka-survive sa global health crisis ay kinakailangan ng bansa ng isang maaasahang gabay mula sa Secretary.

Umaasa ang mambabatas na sa lalong madaling panahon ay makahanap si Pangulong Rodrigo Duterte ng kapalit kay Duque na isang competent official upang maibalik ang nawalang kredibilidad ng ahensya.

TAGS: COVID-19, COVID-19 pandemic, doh, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Rep. Robert Ace Barbers, Sec. Francisco Duque III, COVID-19, COVID-19 pandemic, doh, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Rep. Robert Ace Barbers, Sec. Francisco Duque III

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.