2 warplanes ng China, ipinadala sa South China Sea
Nagpadala ng fighter jets ang China sa pinag-aagawang bahagi ng South China Sea.
Ito’y bukod pa sa mga itinayo nitong surface-to-air missiles sa bahagi ng Woody island sa Paracel group o islands.
Ayon sa sources ng US intelligence services, may dalawang Shenyang j-11 at Xian JH-7 warplanes ang namataan sa Woody island nitong mga nakalipas na araw.
Kinumpirma ni Navy Captain Darryn James, tagapagsalita ng US Pacific Command, ang naturang ulat bagamat sinabi nitong dati nang ginagamit ng mga Chinese fighter jets ang Woody island.
Noong 1990 pa aniya ay may airfield na sa naturang isla bagamat noong nakaraang taon lamang ito in-upgrade upang makalapag ang mga J-11 type fighter planes.
Sa kabila nito, nagpahayag pa rin ng pagkabahala si James sa patuloy na pagtaas ng militarisasyon sa naturang rehiyon.
Ang Woody island ay kapwa inangkin ng China, Taiwan at Vietnam.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.