Nanawagan ang Malacanang sa publiko na huwag mabahala matapos kumpirmahin ng Department of Health ang pagpasok sa Pilipinas ng Middle East Respiratory Syndrome-Corona Virus o MERS-Cov.
Ito ay matapos magpakita ng sintomas at makumpirmang may MERS-CoV ang isang banyagang galing sa Middle East na nasa Research Institute for Tropical Medicine o RITM ngayon.
Ayon kay Presidential Communications Operations Secretary Sonny Coloma, handa naman ng gobyerno sa pangunguna ng DOH na harapin at pigilan ang pagkalat ng naturang sakit.
Sinabi ni Coloma na batay sa pinakahuling resulta ng mga test ay gumaganda na ang kalagayan ng naturang banyaga.
Matatandang kinumpirma ng DOH ang pagkaka-confine ng isang hindi pa pinapangalanang banyaga na nagpositibo sa MERS-Cov.
Kusa itong pumasok sa isang pribadong ospital noong Sabado bago inilipat sa RITM matapos makaranas ng mga sintomas tulad ng ubo at lagnat.
Bago dumating sa Pilipinas, nanggaling muna ang 36-anyos na dayuhan sa Dubai at Saudi Arabia. / Alvin Barcelona
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.