59 pang Filipino abroad, tinamaan ng COVID-19

Nasa 59 ang bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang July 16, umakyat na sa 8,974 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 65 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 3,020 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

5,321 naman ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Samantala, umakyat na sa 633 ang pumanaw na Filipino abroad dahil sa COVID-19.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 6,483 na kaso.

Sumunod dito ang Europa na may 1,063 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 699 naman ang kaso sa Americas at 729 sa Asia Pacific Region.

Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tutukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.

Read more...