India, nakapagtala ng 32,695 pang kaso ng COVID-19

Mahigit 32,000 ang bagong naitalang kaso ng COVID-19 sa India.

Sa datos ng health ministry sa India hanggang 8:00 ng umaga (July 16), pumalo na sa 968,876 ang kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit.

Sa nasabing bilang, 331,146 pa ang aktibong kaso.

Nadagdagan naman ng 20,783 ang mga gumaling.

Dahil dito, 612,815 na ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa India.

Umakyat naman sa 24,915 ang nasawi bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

Read more...