Tupi, South Cotabato muling niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.7 na lindol ang lalawigan ng South Cotabato.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 10 kilometers northeast ng bayan ng Tupi,ala-1:57 hapon ng Huwebes (July 16).

May lalim na 31 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Nauna ng niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang Tupi, South Cotabato kaninang alas-8:49 ng umaga.

Read more...