Drug den sa Cebu City, sinalakay ng PDEA; 8 timbog
Sinalakay ng Philippine Drug Enforcement Agency – Central Visayas ang isang drug den sa Cebu City, Miyerkules ng gabi.
Ayon sa PDEA RO7, ikinasang ang buy-bust operation sa bahagi ng Barangay Basak San Nicolas bandang 6:00 ng gabi.
Naaresto ang walong drug suspect kabilang ang drug den maintainer.
Nakilala ang mga suspek na sina Ulysses Tradio, 50-anyos na dug den maintainer; Roselyn Roda; John Tradio; at limang drug den visitors.
Nakuha sa mga suspek ang 34 packs ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P115,600.
Nakumpiska rin ang ginamit na buy-bust money, isang pouch, ilang drug paraphernalia, at pera na nagkakahalaga ng P320.
Sasampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa Article 2 ng Republic Act 9165.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.