22,220 pang OFW, nagnegatibo sa COVID-19

Mahigit 22,000 overseas Filipino workers (OFWs) ang lumabas na negatibo sa COVID-19, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Base sa datos, 22,220 pa ang negatibo batay sa isinagawang RT-PCR test ng Sub-Task Group for the Repatriation of OFWs hanggang July 16.

Ayon sa PCG, kabilang sa datos ang mga returning overseas Filipinos, OFW at non-OFW.

Maliban pa ito sa naitalang 43,037 ROFs na negatibo sa nakakahawang sakit mula June 12 hanggang July 7.

Inabisuhan naman ang mga returning overseas Filipino na kabilang sa listahan na makipag-ugnayan sa PCG o OWWA personnel sa quarantine facility para sa pagproseso ng pag-uwi sa kani-kanilang probinsya.

Ibibigay naman ang quarantine clearances sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) o Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2.

Read more...